
iBoob Nano 4gb
4GB iBoon Nano here!
30GB. HAHAHAHAHA
Ang relationship parang bubblegum. Especially, juicyfruit. Habang tumatagal sa bibig mo, tumatabang. Nawawalan ng tamis. Nawawalan ng lasa.
Parang sa relasyon, kapag ang tagal tagal nyo na, medyo nawawala na yung sweetness. Nawawala na yung excitement. Kaya itatapon na lang.
Pero kaya mo pa rin itong bigyan ng lasa. Ng bagong tamis. Dagdagan mo lang ng bubblegum. O masasayang memories. Para hindi masayang.
I miss you.
Super.
Kahit na 2 linggo palang tayong hindi nagkikita, para sakin, parang isang bwan na. Miss na miss na kita.
I love you.
Super.
Kahit na busy ka sa school, okay lang. Hindi ko na lang papansinin kahit na medyo nagtatampo ko, okay lang. Mawawala din to.
I think of you.
Always.
Kahit na ang dami kong ginagawa, hindi ka pa rin nawawala sa isipan ko. Lagi kong iniisip kung okay ka lang ba, kung lagi kang kumakain. Parang sa isip ko, inaalagaan pa rin kita.
*sigh*
Wag mong sabihing likas kang sweet, dahil hindi naman talaga. Ang ibig mo lang talagang sabihin, sweet ako kasi gusto kita.